buhay LB, bilang estudyante ng UP....
Iskolar ng Bayan, Bagong Pag-asa ng Bayan
Tunay, Palaban, Makabayan….
Iyan daw ang mga estudyante sa UPLB
Sa kabila ng pagiging mga iskolar ng bayan,
Samu’t-saring hirap ang nadadanasan
Minsan wala na ngang ilaw, wala pang tubig!
Peste! May exam pa kinabukasan.
Math 11, 14, 17, 26, 27, 28, 36, 37, 101
At iba pang pesteng math sa buhay ng
isang estudyante
Maliban na lang sa mga mathematically
inclined
Hay, di pa tapos ang penitensya, meron pa!
Chem lec at lab, Chem 15, 16, 17, 32,
40, atbp, hayyyy…
Bot lab, Zoo lab, At magsasaulo pa ng
daan-daang scientific names
Mahirap maging estudyante sa UP,
Lalo na kapag ang titser mo ay sugapa sa
oras
Kahit 10mins before time na, 20mins pa
sa kanya,
Eh di late ka na sa next subject mo,
Na laging may quiz sa start ng klase,
Malas mo pa kung galing kang Ansci
At sa NCAS/CEM/BioSci ang klase mo
Hayyyy, nakakapagod, minsan may exam ka,
Kelangan mo mag-aral, pero pinapatawag
ka sa org
Matutuwa ka rin naman sa ilang
pagkakatulad ng mga estudyante
Majority, may dalang payong na
nakasiksik sa bag
Pag-walang tubig sa dorm, marami-rami
ang di pa naliligo
Marami din ang nalelate sa klase ng mga
nag-uuwian
Calamba, San Pablo, Biñan, Cabuyao
Dahil sa tindi ng trapik sa Anos! Sa
Junction!
At ang nakakapang-asar pa eh yung mga
sugapang driver ng nasakyan mong jeep,
Na tinitigilan na nga lahat ng nakatayo
sa kalye eh pagong naman sa tulin
Buhay LB, masaya kapag madaming activities
Concert, Feb Fair, Palacasan,
Cemplangan, EngMeet
Kapag may mga plays, minsan required,
hayyyy ang gastos! Pero masaya
Minsan trip mo lang manood, baka you’ll
miss half of your life
Buhay LB, mahirap ilarawan, maraming
karanasan
salamat, at ako'y makakatapos na...
-j.c.lapitan
No comments:
Post a Comment