Wednesday, June 13, 2007

pansamantalang kadiliman

isang panandaliang kadiliman sa buong paligid ang sumambulat sa akin habang nakatitig sa kompyuter. tatlong minuto makalipas ang alas-dose ng madaling araw, ika-labintatlo ng Hunyo dalawanglibo at pito, nang biglang binalot ng dilim ang buong paligid. makalipas ang tatlo hanggang apat na segundo ay muling nanumbalik ang kaunting liwanag sa kapaligiran. kinailangan ko pang buhayin muli ang kompyuter upang maipagpatuloy ang aking ginagawa. inabot ako ng limang minuto upang mabuhay ng tuluyan ang kompyuter at talumpung segundo pa ang inantay upang umpisahang isulat ang kuwentong ito. makalipas ang higit sa pitong minuto ay nandito na ako sa bahagi ng kuwentong ito. labing-anim na minuto na makalipas ang alas-dose ng madaling araw, gising pa ako...

No comments: