DANTAONG DALUYAN NG KAMALAYAN
Springing forth from the birth of a college pioneering in agriculture and forestry, the consciousness for servant leadership was nurtured with the blossoming of the sciences, technology, the arts and the humanities; inured and deepened through the dark days of the First Quarter Storm; and continues to flow to reckon the challenges of today. UP Los Baños upholds excellence in critical and creative thinking, yielding outstanding educators, researchers, scientists and extension workers. The Oblation is a constant reminder of the call to stand in solidarity with the Filipino people, a passionate offering of all that we are for the cause of nation-building.
(music and lyrics by Prof. Alleli C. Domingo, Deputy Director of IMSP)
I.
Sa duyan ng Makiling
Ang kakayaha’y nalinang
Butil ng dunong yumabong
Malikhaing isip kuminang.
Lumago sining at agham, Iskolar ng Bayan
Nahasa pananaliksik at kaalaman
Inani’y karangalan, madla’y nakinabang
Diwang-Oblation, adhikang taglay.
O, Pamantasan ng Pilipinas
Paglingkuran mo sambayanan
Palaganapin ang kahusayan
Isapamuhay kadakilaan.
II.
Sa pagdaan ng unos
Paghihinagpis ay lubos
Ang pangitai’y nanimdim
Kalikasa’y tigib ng dilim.
Umugong tangis at taghoy ng kabataan
Katarungan, katuwiran pinanindigan
Uyayi sa lansangan, kapwa’y ipinaglaban
Ipinamalas kabayanihan.
O, Pamantasan ng Pilipinas
Huwag talikuran tawag ng bayan
Ipamahagi ang karunungan
At pagyamanin kapuluan
III.
Isulong ang kapakanan ng mamamayan
Pag-asang dulot ng giting ng pinagmulan
Hangad na kaunlaran ating makakamtan
Mabawi ang ningas ng kasaysayan.
O, Pamantasan ng Pilipinas
Huwag talikuran tawag ng bayan
Ipamahagi ang karunungan
At pagyamanin kapuluan!
No comments:
Post a Comment