ika-5 anibersaryo ng samahang ORBSIS
Sinasabi ng marami na hindi kailangang humanap ng mga kaibigan, sa kadahilanang ito ay kusang darating sa buhay mo ng hindi inaasahan. Minsan may mga pagkakataong hindi mo lubos maisip kung paano kayo naging magkaibigan, kung paano ito nagsimula at kung paano kayo naging malapit sa isa't-isa, sa kabila ng hindi inaasahang pagkakataon. Tulad ng ORBSIS, hindi ito inaasahan ng marami sa amin. Kami'y mga estudyanteng nakapasa sa exam ng DOST mula sa iba't-ibang panig ng Pilipinas. Wala masyadong magkakakilala, at lubos pang hindi magkakakilala ang lahat. Tila ba'y pinagtagpo-tagpo kami ng tadhana.
Minsan may mga taong nagsasabing, hindi kami magtatagal, nagkatuwaan lang daw kami at nagbuo ng isang barkadahan at bingyan pa ng pangalan. Marami ang naniwalang hindi kami magtatagal, may mga nagtatanong sa amin kung nagkikita pa ang "orbsis", kung buo pa daw kami. Sinasabi namin sa kanilang buo pa rin ang "orbsis", mayroon pang "orbsis". Tunay na hindi na nga kami masyadong nagkikita, kahit may mga taong napalayo at sila ay nasa ibang lugar, alam namin na sa puso ng bawat isa ay naririyan pa rin ang "orbsis".
Marami ang namamangha sa pagkakabuo at pagtagal ng samahang "orbsis". Marami nga dyan na inaakalang angorbsis ay isang "ORG" o kaya "FRAT/SORO"....Para lamang po sa kaalaman ng iba, ang ORBSIS po ay isang barkadahan na binigyan ng pangalan at ito'y hindi isang 'org' o kaya "frat/soro"Sinasabi ng marami na hindi kailangang humanap ng mga kaibigan, sa kadahilanang ito ay kusang darating sa buhay mo ng hindi inaasahan. Minsan may mga pagkakataong hindi mo lubos maisip kung paano kayo naging magkaibigan, kung paano ito nagsimula at kung paano kayo naging malapit sa isa't-isa, sa kabila ng hindi inaasahang pagkakataon. Tulad ng ORBSIS, hindi ito inaasahan ng marami sa amin. Kami'y mga estudyanteng nakapasa sa exam ng DOST mula sa iba't-ibang panig ng Pilipinas. Wala masyadong magkakakilala, at lubos pang hindi magkakakilala ang lahat. Tila ba'y pinagtagpo-tagpo kami ng tadhana.
Noong ika-lima ng Mayo, taong 2003, nagkaroon ng orientation sa Animal Science Main Lecture Hall UPLB para sa bagong batch ng mga DOST scholars. Ang nasabing orientation ay ang Summer Orientation and Enrichment Program o SOEP, isang programang pagbabalik-aral para sa mga scholars at pagbibigay ng ilang patnubay para sa pagpasok nila sa Kolehiyo.
Sa unang araw ng SOEP, halos lahat ay hindi magkakakilala, maliban na lang sa mga nanggaling sa parehong paaralan. May ilan din namang nagpakilanlanan, nakipag-usap at nakihalubilo sa iba pa nilang ka-SOEP. Makalipas ang ilang araw, hinati sa dalawang klase ang lahat ng kasama sa SOEP. Ang dalawang klase ay ipinangalan sa dalawang basketbolista sa NBA, mga kakaibang apelyido, namely, Stojakovich at Turkuglu. Sa Turkuglu napasama ang ORBSIS.
Ganito ang nangyari bago mabuo ang ORBSIS Sa loob ng klase, nagkaroon ng ilang maliliit na circle of friends. Nag-umpisa ang lahat kay Genell Altarejos, Dorina Trapago at Jessica Agsaluna. Silang tatlo ay galing sa ibat-ibang paaralan. Kung mag-usap sila ay parang matagal nang magkakakilala. May nakilala silang bagong kaibigan, si Nica Ann Delmo, ang makulit at isa sa mga songers ng orbsis. Kasunod nilang nakilala si Anna Karina de Grano, ang mataray at suplada sa barkada. Hindi ka niya kakausapin kung hindi ikaw ang kakausap sa kanya. At isinama na rin nila si Bermari Quindao, ang kakaiba sa grupo, basta kakaiba, hindi humihinga pag tumatawa
Teka, hindi lang sa kanila nag-umpisa ang pagkakabuo ng barkadahan, habang ang mga babaeng ito ay nakaupo sa likod at kaliwang bahagi ng classroom, may katapat sila sa likod at kanang bahagi ng room. Isang grupo naman ng mga kalalakihan, kapwa maiingay at makukulit. Binubuo ito nila Patrik Mar Ramos, ang nangunguna sa katarantaduhan; John Mark Tagle, isa raw sa mga cute guys sa room; Naepril Neil Calma, na tinawag na tatay Nae dahil sa saint-like personality; John Joseph Aguado, silent but terrible; at Maximiano Darel Africa, ang pinakabata sa grupo. Ang grupong ito ay tinawag nila ang sarili nila na Weslap galing sa Westlife. Ang grupong ito ay laging nagtatawanan at mahilig magpatawa sa klase.
May 10, 2003, sabado, isa sa mga pinakaimportanteng araw sa buhay ng orbsis. Ito ang araw na nagkasamasama ang pioneers ng orbsis, ang weslap at ang mga girls. Nung araw na iyon, naging friend ng weslap si Mark Dranreb Royo, ang rakista at asteeg sa barkada. Hindi na weslap ang pangalan nila dahil anim na sila. Ganito ang nangyari, dahil sabado, walang bukas na kainan na malapit sa AnSci. Naipon ang mga girls sa labasan, hindi makapagdesisyon kung saan kakain. Nakita sila ng grupo ng mga boys, ang dating weslap. Nagtanong si Jomar, San kakain ang soro niyo?, kasi yung frat namin sa Lola Purings kakain eh at sumingit naman si Patrik, foor lang kasi kami eh. Natawa ang ilang girls, nakapagdesisyon na kina Dorina na lang sila kakain. Pabirong sinabi nila Jomar na sama naman kami, at yinakag nga sila ng girls. Tinawag ni Dreb si Jojo, a.k.a. Einstein sa barkada. Hindi sila masyadong close, kaya lang sila nagkasundo dahil schoolmate ni Jojo ang dating niligawan ni Dreb. Isinama siya at tumuloy na nga sila kina Dorina. Iyon ang naging foundation day ng orbsis dahil simula nuon, lagi na kaming magkakasama sa kalokohan at kaseryosohan.
Napagkasunduan ng grupo na ang pangalan ay FratSo (frat at soro) Napasama na nga si Jojo sa grupo, isinama na rin si Alizza Guban, ang katabi ni Jojo sa upuan at naging ka-close, na naging close naman kay Jan Portia Castro. Si Alizza ang sigat asteeg din sa grupo na yun palay sangkatutak ang naging boylets. Napasama na rin si Ma. Clarizza Amante, isa sa pinakamahinhin sa barkada. Na highschool friend naman niya si Ma. Lourdes Marero na napasama din sa grupo, ang malakas ang loob na sabihan si Sir Lenz nung huling araw ng SOEP ng Babay Lenz. Nadagdag din sa grupo si Nathaniel Alejo, ang Bikolanong PhiSci boy. Ang huling nadagdag ay si Portia, ang naging ka-close ni Alizza. Si Portia ang makulit, mahinhin nung una, pero lumabas din ang kulo sa loob.
Bandang kalagitnaan ng SOEP, pinalitan ang FratSo ng ORBSIS dahil ito sa tawagan naming, mga bro at sis. At kung babasahin pabaliktad, Sis Bro Kung pag-uusapan ang lahat ng nangyari sa orbsis, kulang na kulang ito. Kapag orbsis ang pinag-usapan, expect the unexpected, quite! almost!
MEMBERS
Name: Niña Jessica Agsaluna
Nickname: Jezzie/Niña
Course:BS Agri
Name: Gennell Altarejos
Course: BS ChemEng
Name: Ma. Clarizza Amante
Nickname: Clark
Course: BS Chem
Name: Jan Portia Casto
Nickname: Portia/Jeka
Course: BS Food Tech
Name: Alizza Guban
Nickname: Ali
Course: BS Agri
Name: Anna Karina de Grano
Nickname: Anna
Course: BS Agri
Name: Bermari Quindao
Nickname: Ahri
Course: BS ComSci
Name: Dorina Michelle Trapago
Nickname:Dorina/Dho-dho
Course: BS ComSci
Name: Nica Ann Delmo
Nickname: Nica
Course: BS Food Tech
Name: Ma. Lourdes Marero
Nickname: Madel
Course:BS IndusEng
Name: Maximiano Darel Africa
Nickname: Max/Darel/Pipao
Course: BS Agri
Name: John Joseph Aguado
Nickname: Jay-jay/Shao
Course: BS ComSci
Name: Nathaniel Alejo
Nickname: Thani
Course: BS ChemEng
Name: Naepril Neil Calma
Nickname: Nae
Course: BS AgEng
Name: Joelino Lapitan
Nickname: Jojo/Einstein
Course: BS Math
Name: Patrik Mar Ramos
Nickname: Patrik
Course: BS Chem
Name: Mark Dranreb Royo
Nickname: Dreb
Course: BS AgEng
Name: John Mark Tagle
Nickname: Jomar
Course: BS ComSci
No comments:
Post a Comment